Feb 23, 2011

Kwentong Upos

(isa sa mga origin ng pangalan ng blog ko. yan talaga ang original na pangalan ng entry na to. nahukay ko lang sa notes ng facebook.)


“Pre yosi?”


“Eto may isa pa’ko.”


*sindi. hithit. buga.*


“Dito muna tayo. Hintayin mo nang matapos yung nasa #5. Tatayo na yan, alas otso na e. Pag lumagpas ng alas nuebe dito yan, pingot ang abot nyan sa Erpat nya.”

Otso-otso

Linggo. Araw naming magto-tropa. ‘Matik na ang araw na yun para sa amin. Dahil sa pare-parehong walang pasok (dahil pare-parehong tambay), basketball day ang linggo para sa’min. Kusa kaming magtitipon-tipon sa harap ng computer shop na tambayan namin kapag hindi kami nagbabasketball. Kaunting kwentuhan. Magpapakiramdaman ang bawat isa kung handa na kaming isugal ang hindi pagkain ng almusal at tanghalian para sa sport na naging dahilan kung bakit kami nabuo. Kapag sa tingin o tantya ng bawat isa ay handa na ang bawat isa, sabay sabay kaming tatayo at sabay sabay ding magsasabi ng “Tara!”

Tagpi-tagping daldal

May pinapanood akong palabas sa tv kanina. Palabas sa cable ng probinsya namin yun. Episode nila yung pag-celebrate ng nagdaang Valentine’s Day sa isang lugar na madalas pagtambayan ng mga tao dito sa probinsya namin. Ayos naman yung palabas, interview sa mga tao andoon kung ano ang ibig sabihin ng Valentine’s Day sa kanila. Sagot ng iba, yun daw ang araw na dapat kasama mo ang mahal mo na kung hindi ka-relasyon e magulang, pwede din kaibigan. Yung iba, araw daw yun para mag-relax, mag-muni muni kasama ng minamahal. At syempre, yung iba – araw daw ng mga puso.

Feb 22, 2011

Itanong mo sa taga-pluto: Episode 3



ANO ANG NICKNAME/S O TAWAG SA'YO? AT BAKIT IYON ANG TAWAG SA'YO?

Leo Carlo. Yan ang pangalan ko. Sinadya ko nang hindi sabihin ang apelyido ko, baka may mag-abang sa'kin e. Maikli lang naman ang pangalan ko, Leo at Carlo, kaso nakakapagtaka na ang dami na palang nabuo na kung ano-anong elemento sa pangalan ko - na sya namang pinalayaw nila sa'kin.

Maitim ako noong ipanganak ako, at kung hindi ako nagkakamali (at ayon na din sa mga magulang ko), 'Boy Negro' ang tawag sa'kin nang mga pinsan ko kapag nilalaro nila ako. Mukhang ok lang naman sa magulang ko kasi sa kanila nadin nanggaling e. Buti nalang wala pa akong kamuwang-muwang noon habang pinagkakatuwaan ako ng mga pinsan ko. Para kasing mahirap na tanggapin kung tatawagin padin akong 'boy negro' ngayon. Hindi naman ako baluga e, black american ako.

Feb 21, 2011

Kwento sa tanghalian

"Tawagin mo na sina Mama mo sa kwarto. Kain na tayo."

Utos ni Erpat. Ayaw ko pa sana kumain kasi nagbabasa pa ako ng libro na kabibili ko lang kahapon, kaso wala akong no choice. Pag kumain sina Erpat at Ermat, kakain na din kami. Gutom man kami o hindi, kailangan kumain din kami. Hila ng de-tupi na lamesa namin sa likod ng sofa. Nilatag. Parang ayaw ko pa talaga kumain, gusto ko pa magbasa. Tsk. Eto ang mahirap kapag pinairal ni Erpat ang martial law sa bahay. Kailangan sumunod lahat. Pag inutos nya, gagawin mo. Sya ang batas, sya ang masusunod. Pero sya ang nagluto, habang nagpapahinga si Ermat sa kwarto. Nakakapagtakang hindi nya mautusang magluto si Ermat. May martial law din atang kinakatakutan si Erpat.

Feb 20, 2011

5★ (bakit madalas huminto ang jeep sa harap mo kahit hindi ka naman kumakaway para sumakay?)

“Alis na’ko.” Paalam ni Erpat sa Tatlong Babae sa buhay naming dalawa (si Ermat at dalawang kapatid ko). Sabay kaming nagbuhat ng mga bag nya, pero nauna akong lumabas ng pinto. Sa gate na’ko naghintay. At sabay na kaming naglakad. Nauna ako, para sabay kami.


Ganito lagi ang senaryo sa bahay tuwing lunes ng gabi, pwera na lang kung naka-leave o absent si Erpat. Sa Manila nagta-trabaho si Erpat. Tuwing linggo ang uwi, tuwing lunes ang alis.


Lakad ng humigit-kumulang limang minuto, narating din namin ang kanto kung saan magkasama kaming maghihintay ng bus, pero si Erpat lang ang sasakay. Nakasanayan ko nang ihatid si Erpat sa kanto simula highschool pa lang ako. Ngayong nasa edad na ako para magtrabaho, at dahil tambay pa ako sa ngayon. Ginagawa ko pa rin ito.

Feb 19, 2011

10-Bee

Nagbabasa ako ng Manila Bulletin kahapon. Punta ako sa editorial section. May isang topic na nakatawag ng atensyon ko. Binasa ko. Nagkakasundo na kami ng topic, kaso mga ilang talata lang, binitin na. ‘Continue to page G-32’ daw. E classified ads na ata yung G e. Pero wala naman akong no choice, kaya hinanap ko yung G. Kaso hindi ko makita. Yun pala inarbor lang ni Erpat yung dyaryo sa kasamahan nya sa trabaho, walang G na kasama. Sayang nasarapan pa naman na akong basahin yung binabasa ko. Nakakainis kapag nabibitin.

Feb 18, 2011

Manika ni Lorna

(di nahabol nung balentayms)

“Mahal kita Gilbert. Akin ka lang. Ipangako mo yan.” ibig manigurado ni Lorna sa nobyong si Gilbert.

“Oo Lorna. Iyong iyo lang ako. Pangako.” tugon ni Gilbert sa nobya.

Masakit man sabihin, walang magagawa si Gilbert kundi ang magpanggap na mahal nya si Lorna. Alam nya ang mangyayari sa kanya oras na iwanan nya si Lorna. Mangyayari sa kanya ang nangyari kay Rochelle.

-+-+-

“Rocheeelleee!” sigaw ng ina ni Rochelle habang pinagmamasdan nya ang nangyayari sa anak.

Feb 14, 2011

Si Paula

Nag-iisip ako ng isusulat nang may isang babae ang pumasok sa utak ko. Huli kong nakausap ang babaeng ito noong 2005 pa. Sige aminin ko na, naging kami. Pero hindi ko sya nakita kahit kailan. Cellphone ang naging tulay namin sa isa't isa. Textmates, textfriends, txtlovers. Yan kami. Sya si Paula.

Hindi ko na alam ang apelyido ni Paula. Kung hindi ako nagkakamali ay hindi nya talaga sinabi ang apelyido nya dahil alam nyang hahanapin ko sa friendster ang profile nya. Ayaw nya makita ko ang itsura nya nang hindi pa kami nagkikita, sa parehong paraan na hindi pa din nya nakikita ang itsura ko.

Feb 13, 2011

Bangon

May isang binatilyo na nagngangalang Alvin na kung matulog ay tila 'mantika'. Hindi sya makabangon sa higaan upang pumasok sa iskwela kung hindi pa sya gigisingin ng mga magulang.

Nang makatapos si Alvin sa pag-aaral, naging isang contractual employee sya sa isang kumpanya sa lungsod, lugar kung saan medyo malayo sa lugar nila. Nangupahan sya upang maging malapit sa kanyang papasukan. At dahil wala syang taga-gising, niregaluhan sya ng alarm clock ng kanyang ama.