Feb 13, 2011

Bangon

May isang binatilyo na nagngangalang Alvin na kung matulog ay tila 'mantika'. Hindi sya makabangon sa higaan upang pumasok sa iskwela kung hindi pa sya gigisingin ng mga magulang.

Nang makatapos si Alvin sa pag-aaral, naging isang contractual employee sya sa isang kumpanya sa lungsod, lugar kung saan medyo malayo sa lugar nila. Nangupahan sya upang maging malapit sa kanyang papasukan. At dahil wala syang taga-gising, niregaluhan sya ng alarm clock ng kanyang ama.

Nilapag ni Alvin ang kanyang alarm clock sa tabi ng kanyang kama. Pero sa unang gabi, nakalimutan nyan i-set ang oras. Kaya tinanghali na nang gising si Alvin at late na sya pagdating sa kumpanya. Sa pangalawang gabi, nai-set naman nya ang alarm clock pero pinatay naman nya ito nang mag-alarm sa umaga dahil bumalik si Alvin sa pagkakatulog. Late ulit sya sa trabaho. Ganoon nalang ang nangyari araw-araw. Kaya minsan ay kinausap si Alvin ng kanyang supervisor. "Hindi pwedeng lagi nalang ganito Alvin," sabi ng supervisor. "Kung ganyan ang performance mo, mahihirapan kaming magdesisyon na gawin kang regular."

Sa pagkakataong iyon ay nagising na si Alvin. Kaya nang matutulog na sya isang gabi, sinet nya ang kanyang alarm clock. Nang tumunog ang alarm clock nang umagang iyon, bumangon si Alvin at pinatay ang alarm clock. Mabilis syang naghilamos at nag-almusal saka nagtatakbo patungo sa trabaho.

Bakas sa mukha ni Alvin ang ngiti pagdating sa kumpanya. Na sya namang pagtataka ng isang katrabaho nya. Nang hindi na makapagpigil ang katrabaho nya ay nilapitan na nya si Alvin at tinanong. "Diba dayoff mo ngayon?"

PASASALAMAT: Kay Vivi Patron at sa kanyang column na 'SANDALI LANG', na makikita sa tabloid na BALITA (D.I. April 18, 2010)





nagustuhan mo? i-share mo na!



4 comments:

  1. hahaha buti nga s akanya yun hahaha salbahe ako hahaha joke...

    ReplyDelete
  2. lesson learn siguruduhing may pasok bago magbago..

    ReplyDelete
  3. sabi na nga ba hehehehe... ang akala ko lang kasi linggo.. ayan bumangon ng maaga at siguraduhin may pasok...

    ReplyDelete
  4. hahaha..malas nya..

    ReplyDelete