Jan 29, 2011

Gudnyt! Switdrims! Muah!

(Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga salitang hindi dapat sa mga bata. Kung bata ka, wag mo sanang mapanaginipan ito.. alam kong babasahin mo parin ‘to. Enjoy!)

“Three points!” sabi ng commentator kasabay ng hiyawan ng mga fans nya.

Lamang pa ng isa ang kalaban nila. Tatlong segundo na lang ang natitira. Sa kalaban ang possession, kailangan maagaw ang bola. Mabilis ang pangyayari. Biglang nasa kanya na ang bola, mauubos ang oras kung ipapasa pa nya. Bagamat’t kinakabahan, wala na syang pagpipilian kundi ang tumira. “Bahala na!” sabi nya sa isip nya. Dalawang segundo. Isa. Tumunog ang buzzer. Hiyawan, sigawan at palakpakan ang mga tao. Panalo sila.

“Ang galing galing mo talaga! Aylabyu!” sigaw ng isang babae. Nakita nyang sumisigaw ang babae. Kinindatan nya. Lalong tumili ang babae. Mabilis ang mga sumunod na naganap. Kasama na nya sa isang kwarto ang babae fan na tumitili sa kanya. Kapwa sila hubad. Hinahalikan sya ng babae, Sa labi. Sa leeg. Sa katawan, Pababa sa kanyang galit na ‘sundalo’. Hindi maipinta ang mukha nya sa sarap na nararamdaman sa ginagawa ng babae sa kanya. Lalong nagalit ang ‘sundalo’. Natakam lalo ang babae. Nanggigil. At sa isang iglap..

“Araaaaaaaaaay!” nagising si Makmak sa pagkakatulog.

Kinagat ni Blackie ang ‘sundalo’. Akala ata buto.





nagustuhan mo? i-share mo na!



No comments:

Post a Comment