Ang Upos

Maraming bagay ang hindi masasabi ng basta-basta. Malamang ito lang ang paraan at daan para masabi ang mga bagay na 'yon. Mga bagay na nakakabit sa nagbabagang utak, na kailangang hithitin at pitikin para mailabas ang upos ng buhay.

Dito ay mababasa ang mga pinagsama-samang salita na dala ng nadarama para makabuo ng tula. Isasalaysay ang buhay para makabuo ng kwento. Sa pamamagitan nito, mailalabas ang takot at pangamba na dala ng katotohanan, at maisasalaysay ang mga paglalakbay sa bawat araw na dadaan.

Sa mga magbabasa, kayo ang magiging taga-husga.

Lahat ng bahagi at mababasa nyo dito ay kathang isip lamang. Walang parte nito ang pwedeng kopyahin ninoman ng walang pahintulot ng may akda, pwera na lang kung gagamitin sa pagrerebyu. Pero para quits, paki-sama sana sa kokopyahin ang url ng blog na ito. Pakibigyan na din ng sigarilyo ang may ari.

Enjoy reading.