Jan 29, 2011
Ang hindi lumingon...
Nakita nya ang bagong batch ng mga batang yagit na naglalaro sa kalye. Mga batang mas malaki ang tiyan kesa sa ulo. Dati mga kalaro nya ang nakikita nyang ganon, ngayon mukhang mga anak na nila ang nakikita nya. Nag-isip sya, paano nga ba lumalaki ang tiyan ng mga bata samantalang kulang naman sa kinakain? Sa kabilang banda naman ay nakita nya ang court na pinaglalaruan nila ng mga kalaro nya dati. Court kung saan ilang beses syang nabutasan ng bola dahil sa kakabato ng mga adik na madalas syang pagtripan. Mga adik din ‘daw’ ang naging dahilan ng sunog noon, pero mga adik din ang nagsisigaw sa buong lugar na may sunog. Sa tapat ng court ay ang isa sa mga bahay na masasabi nyang may kaya. Sa bahay na ‘yon nakatira ang crush nya dati. Mukhang wala nang tao sa bahay ngayon. Malamang nasa ibang bansa na. Madami pa sya nakita na halos nakikita din nya dati noong nakatira pa sila doon. Mga batang kalye, mga dalagang maagang lumalandi, mga binatilyong busy sa pagsinghot ng rugby. Walang pinagkaiba sa lugar na kinagisnan nya. Ang pinagkaiba lang ay mga bagong mukha na ang gumagawa ng mga nakita na nya dati.
Twalya
Saksi sa kaganapan sa banyo.
Unang hinahanap ng bagong paligo.
Pamunas sa katawang mabango.
Yumayakap kapag katawan ay natuyo.
Minsa’y ginagamit pantakip ng ulo.
Pangontra sa init at sa kuto.
Kung ikaw nama’y nahihiya sa ulo mo.
Pwede ding pantakip sa ulong kalbo,
Minsa’y ginamit pamunas sa katawang may dugo.
Bakit naging pula ang kulay ng twalya ko?
Sinabi sa’kin pag-uwi ko.
“Leo, sinaksak ang kuya mo.”
Gudnyt! Switdrims! Muah!
(Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga salitang hindi dapat sa mga bata. Kung bata ka, wag mo sanang mapanaginipan ito.. alam kong babasahin mo parin ‘to. Enjoy!)
“Three points!” sabi ng commentator kasabay ng hiyawan ng mga fans nya.
Lamang pa ng isa ang kalaban nila. Tatlong segundo na lang ang natitira. Sa kalaban ang possession, kailangan maagaw ang bola. Mabilis ang pangyayari. Biglang nasa kanya na ang bola, mauubos ang oras kung ipapasa pa nya. Bagamat’t kinakabahan, wala na syang pagpipilian kundi ang tumira. “Bahala na!” sabi nya sa isip nya. Dalawang segundo. Isa. Tumunog ang buzzer. Hiyawan, sigawan at palakpakan ang mga tao. Panalo sila.