Feb 2, 2011

Itanong mo sa taga-pluto: Prologue

Minsan ay pinagtripan ko ang mga naka-phonebook sa cellphone ko at ang mga friends ko sa facebook. Nag-gm ako sa cellphone at nag-wall post ng isang tanong: ‘Kung bibgyan ko kayo ng pagkakataon na magtanong sa akin (isang tanong lang), ano ang itatanong mo?’ Matagal na ding may umiikot na ganyang gm sa cellphone, hindi ako sigurado kung meron na din sa facebook. Trip kong masasabi ang pag-gm at pag-wall post ko na yon dahil wala naman akong sinagot sa mga nagtanong. May mga malokong tanong, may seryoso, may minura ako, merong hindi ako pinansin, at may nagtanong na simpleng ‘bakit?’ at ‘hu u?’ lang.

Naisip ko na dito na lang sagutin ang mga tanong na napili kong sagutan. Bahala na ang mga nagtanong kung mababasa nila ang sagot ko o hindi. Labing-limang tanong ang napili kong sagutan. Isang tanong ang sasagutan ko kada isang entry ko dito na gagawin ko kada isang araw (hindi araw-araw). Sa ganitong paraan ay baka/sana makilala ako ng iilan.

Ito ang mga tanong na napili kong sagutan:

1. Bakit hindi ka tumataba?
2. Anong tv show ang kinaaadikan/madalas mong panuorin?
3. Ano ang mga nicknames o tawag sa’yo? At bakit iyon ang tawag sa’yo?
4. Sino ang mga crush mo na artista/musikero or singer/athlete?
5. Kung maibabalik mo ang oras, ano ang mga bagay na gagawin mo?
6. Bakit ‘mga kwentong upos’ ang pangalan ng blog mo? At bakit ‘taga-pluto’ ang pen name mo?
7. Kung gagawa ka ng letter sa ex mo, ano ang isusulat mo?
8. Kung iibahin mo ang pangalan mo, ano ang ipapangalan mo sa sarili mo? At bakit?
9. Paano ka nahilig magsulat? Bakit ka nagsusulat?
10. Sino ang mga paborito mong writer?
11. Sa sarili mo, ano ang dahilan mo kung bakit ka nagpe-facebook?
12. Ano ang mga madalas mo gawin kung hindi ka nagsusulat?
13. Sa tingin mo sa sarili mo, ano ang kalakasan at kahinaan mo bilang isang tao?
14. Ano ang paborito mong quote? Sino ang nagsabi? At bakit mo paborito ang nasabing quote?
15. Kung magkakaroon ka ng isang milyong piso, saan mo gagastusin iyon?

Yan ang mga tanong na napili kong sagutan. Ang mga susunod na entries ko dito sa blog na ito ay mga sagot sa mga tanong sa itaas.

Ang mga sagot. Abangan..




nagustuhan mo? i-share mo na!



No comments:

Post a Comment