Feb 9, 2011

Waley

Sa dami ng gusto kong ikwento e wala akong masimulan. Ito ang mahirap kapag lahat ng bagay e gusto kong pakielaman. Lahat gusto kong isulat, pero hindi ko alam kung ano ang uunahin. Sa bandang huli e wala akong nabubuga.

Sa mga iniisip kong ikwento ay kasama na ang mga nagaganap ngayon sa bansa natin at maging sa ibang bansa. Parang sa isang iglap ay bigla akong binatukan ng pagkalito ko.

Mental block nga lang ba ang nangyayari sa’kin? O katamaran na? Ilang beses na din ako gumawa ng blog, at ilang beses na din pumalpak. Sa pagkakataon ito, naka-focus ako na hinding hindi na papalpak ang blog na ito. Sinasabi sa akin ng utak ko na pwedeng magpahinga ang blog ko, kahit medyo matagal, pero wag na wag ko na ihinto o i-delete ang blog ko. Pero sa isang tenga ko ay parang may bumubulong na wala akong mapapala sa pagsusulat at i-delete ko na ang blog ko, gaya ng ginawa ko dati sa mga nauna kong blog.

Hindi ko alam kung nararanasan din ng ilan ito. Parang sakit na ata ng ibang manunulat ito. At mukhang delikado, kasi habang sinusulat ko ito e tumatawa ako.

3 comments:

  1. wag kang makinig sakabila mong tenga na idelete ang blog mo..tama yung isa pwede ka namang magpahinga kung wala ka talagang maiblog--di naman kasi porke may blog ka eh araw araw magiging active ka.... lahat tayo na raranasan yan yung tipong ang dami mong gustong sabihin pero wala kang pa i post....

    ReplyDelete
  2. pahinga lang parekoy, ako in 3 months na pagbblog ko, naranasan ko na din yan, ang daming idea tapos nung isusulat na, blanko ang isip.. siguro nga parekoy eh dumadaan ang ganito.. hindi ako manunulat pero nabablanko din ang isip ko.. tuloy tuloy lang.. :)

    ReplyDelete
  3. Salamat sa mga payo Sir. Siguro nga kelangan din magpahinga, pangit kasi kung pipilitin ko sarili ko magsulat e. Eto, inu-unti unti ko na muna.

    ReplyDelete