Feb 23, 2011

Kwentong Upos

(isa sa mga origin ng pangalan ng blog ko. yan talaga ang original na pangalan ng entry na to. nahukay ko lang sa notes ng facebook.)


“Pre yosi?”


“Eto may isa pa’ko.”


*sindi. hithit. buga.*


“Dito muna tayo. Hintayin mo nang matapos yung nasa #5. Tatayo na yan, alas otso na e. Pag lumagpas ng alas nuebe dito yan, pingot ang abot nyan sa Erpat nya.”


“Hindi naman ako maglalaro e. Walang pera ngayon, saktong pang-yosi lang. Tsaka tetext ko pa si ‘Binibini ng buhay ko’.”


“Tado! May boypren na yun ah?! Mahilig ka talaga sa mga may boypren na. Sulutero!”


*hithit. buga*


“Tinamaan ako e. Nagkataon lang na may boypren na naman yung nagustuhan ko. Tsaka nasa ibang bansa naman yung boypren nya. Malay ba natin kung may iba na yun dun.”


“Malay din natin kung walang iba yun. Baka nag-iipon na yun. Para pag-uwi dito papakasal na sila. Bigo ka na naman pag nagkataon. Haha!”


“Ewan ko. Sana nga walang iba. Sabagay, ok lang naman kung hindi maging kami. Hindi naman ako nanliligaw e. Hindi naman ako nag-eexpect na magugustuhan nya din ako. Basta ako, ok na’kong gusto ko sya.”


*pitik. hithit. buga. pitik*


“Pero pa’no kung gusto ka din pala nya? Kunwari katext mo sya, bigla nya sinabing gusto ka nya. Ano sasabihin mo? Ano gagawin mo?”


“Text yun? Edi sasabihin ko mag-kita kami, mag-usap kami. ‘Pag nagkita na kami, doon ko na sasabihin at tatanungin ang lahat. ‘Bakit mo’ko nagustuhan?’, ‘Paano boypren mo?’, ‘Ano balak mo?’. Yun. Depende sa sagot nya kung kakagat ako. Dapat sigurado na’ko bago ko simulan ang yung magiging plano ko sa buhay kasama sya. Mahirap na, baka pumalya na naman. Ilang beses na nasira mga plano ko, nadala na’ko.”


*hithit. buga*


“Pa’no kung one night stand lang pala ‘yung gusto nya mangyari? Papayag ka””


“Ewan ko. Ipokrito ako kung hihindi ako, pero para ko na rin sinabing yun lang ang habol ko sa kanya ‘pag pumayag ako agad. Nirerespeto ko yun e. Hindi ko din iniisip na mangyayari sa’min yun. Pero pwede ding pumayag ako, pero with feelings naman yung mangyayari, hindi puro libog lang. Papatunayan kong hindi yun ang habol ko sa kanya. Papatunayan kong seryoso ako sa kanya.”


“Mahal mo ba? O pampalimot lang sa ex mo?”


“Nung nakilala ko sya. Unti-unti ko natutunang kalimutan yung ex ko. Tatlong taon din bago ko nakalimutan ‘yung ex ko e. Ewan ko ba, makapit ‘yung kamandag. Tapos nung nakilala ko ‘tong ngayon, biglang maniobra yung naramdaman ko. Huli nya agad ako sa unang tingin e. Crush lko lang sya dati e. Tapos habang tumatagal na nakikilala ko sya, lumalala na yung nararamdaman ko.”


*hithit. buga. pitik.*


“Tsktsk! Inlab si mokong ah! Haha!”


“Gago! Ganun talaga! Hindi naman habambuhay e sa dota, facebook at basketball lang iikot ang bawat araw ko.”


“Maganda naman kaya yan? Haha!”


“Kelan ba’ko nainlab sa hindi maganda? Tsaka hindi naman ako nainlab sa mukha nya. Basta, sapul agad puso ko unang tingin pa lang.”


“Edi ligawan mo na. Make or break kung kakaliwain nya si boypren nya.”


“Mahirap makarma e. Baka maging kami nga, tapos sa bandang huli masusulot din ng iba. ‘Yoko ng ganun. Tingnan mo si ex ko. Sinulot ko din dati yun. Sa bandang huli iniwan din ako. Hintayin ko na lang siguro kung magkikita pa kami. Kung magiging kami, magiging kami.”


“Nasa ‘yo na yan. O tapon mo na yosi mo! Filter na lang yan o! Haha!”


*hithit. buga. hithit. buga. pitik yosi.*





nagustuhan mo? i-share mo na!



3 comments:

  1. Tagal naubos nung yosi ah. Haba ng kwentuhan. Hehe.. :)

    Nabasa ko ang mensahe mo sa blog ko.. Kaka-update ko lang ng links ko. Andun ka na! :)

    ReplyDelete