Feb 19, 2011

10-Bee

Nagbabasa ako ng Manila Bulletin kahapon. Punta ako sa editorial section. May isang topic na nakatawag ng atensyon ko. Binasa ko. Nagkakasundo na kami ng topic, kaso mga ilang talata lang, binitin na. ‘Continue to page G-32’ daw. E classified ads na ata yung G e. Pero wala naman akong no choice, kaya hinanap ko yung G. Kaso hindi ko makita. Yun pala inarbor lang ni Erpat yung dyaryo sa kasamahan nya sa trabaho, walang G na kasama. Sayang nasarapan pa naman na akong basahin yung binabasa ko. Nakakainis kapag nabibitin. Ewan ko kung bakit kailangan pang bitinin yung topic samantalang andun na yung espasyo para pagsulatan. Sayang dahil bihira lang ako maka-tyempo ng dyaryo na mahaba sa bahay. Kadalasan kasi tabloid lang ang uwi ni Erpat. Tapos maiikli lang yung mga editorial dun, madalas tungkol pa sa pulitika. Yung natyempuhan ko na topic, medyo ok e. May kwento sya, tapos kung tama yung hinala ko e may mababanggit na libro dun sa continuation nya. Kaso yun nga lang, bitin. Kaya wala akong magagawa kundi...





nagustuhan mo? i-share mo na!



2 comments: